Like it!
Hindi ko pa tapos yung kapitan sino..Unti unti ko lang din naman kasi binabasa.,kasi nga gusto ko namnamin.. Nakakatawa ang kapitan sino. It reflects the true colors of the society today., ung mga lecheng tambay sa kalye. Ung walang patumangang pagyayabangan ng mga mag kumare. Tsismisan na walang patid at marami pa.
Gusto ko ang usapan na ito ni Rogelio at Tessa, (nandito na ako kagabi, pahina 109 yata)
Habang nag e e stargazing sila at nageenjoy sa bubong ng simbahan na pinagsabitan ni Kapitan Sino nung unang engkwentro nito sa isang magnanakaw...
"Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko."
"Dahil maraming pwedeng magkagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo."
"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."
"Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo."
"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay."
"H-higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha."
Sadyang manamnam ang pagkakasulat ng Kapitan Sino at mamahalin mo ang kakaibang paraan ng kwento nito. Oh well, first time ko lang ata nakabasa ng filipino super hero na istorya kaya talagang nasisiyahan ako...
Itutuloy ko pa pagbabasa ko ha;)
Comments (0)
Post a Comment