Recent twitter entries...

Pages

Showing posts with label life. Show all posts
Showing posts with label life. Show all posts

Dalahin

0
"Ang hirap ng lumagpas..."

Yan ang salitang sinabi saken ng lalakeng nakatabi ko sa jeep.



Kakaiba sya, gangster na porma, naka headphone na malaki na mistulang disc jockey, naka jacket kahit mainet at pormang porma talaga. Mayroon syang dalahin, nakalagay sa gitna ng jeep. 1,2,3,4 apat lang kaming pasahero sa jeep.

Maya maya dumating na sa fatima, dun pala sya bababa. Itinabi ng driver sa gilid ang jeep.

"Pakibaba naman kuya" wika ng gangster na bida.

Dali dali kong hinila ang kanyang dala at inabot din naman ng lalaking nakapwesto sa dulo at nakadamit pang nurse ang kanyang dala dala. 

Gumapang ang bida upang makababa. Tinukuran ng nakadamet na nurse ang dala dala nya upang di umusog sa kanyang pagbaba. Sa totoo lang di ko alam if dapat bang kunin ko braso nya o hawakan ko sya sa katawan pero mistulang alam na alam nya ang pagbaba sa jeep. Nakahiga sa sahig, face first inabot nya ang dala dala nya at kumapit sa hawakan ng jeep.

"Atras mo kuya" wika nya sa nurse na pasahero din na nagbaba sa gamet nya. Mistulang nagbalanse ang bida at umupo na sa kanyang dala dala. 

"Okay ka na?" tanong ng pasaherong nagbaba ng dalahin nya. 

"Okay na, salamat" sabi ng bida.

Napabilib ako sa ating bida, walang reklamo sa buhay, nagagawa pang mag pormang gangster at bumisita sa mga hoodies nya kahit na nakawheel chair pa sya.

Kaya tangina, bawal kayo magreklamo ngayon!

From Being Scary To Sexy

1

BEFORE (2002)
AFTER (PRESENT)





































Her name? Daveigh Chase, from the movie - The Ring and Lilo (from lilo & stitch)


Stupid Cow!

0
"Kung hindi ka magaaral, magbanat ka ng buto! Maghanap ka ng trabaho! Work, work, work, you stupid cow! Kung ayaw mo, mamatay ka na! Wala kang kwenta!" - talata mula : ang mga kaibigan ni mama susan - bob ong


Isa ka bang stupid cow? O e-Cow! 


Nakaka-alarma. Bata pa! Namulaklak na ang mga salita na lumalabas sa bibig nila.

Pauwi nako kagabi, nakasabay tatlong estudyante sa jeep, Elementarya sa itsura. Kung kikilatisin mistulang mga grade 5 or 6 na sila. Natutuwa ako sa mga salita nila, Sabi nung isang

(Estudyante One) Di naman kagandahan na estudyante : "Tang ina, kapal ng mukha nun ni Christian, kala nya, alam ko kayang pinagseselos nya lang ako. Bago kaya ako nagpunta ng classroom narinig ko na, na nilalandi nya lang si amy para magselos ako. Ako pa, maraming tengaaah toohhh!"


(Estudyante Two) Tahimik : "Oh gago yun noh...si amy kaya super lande"


(Estudyante Three) Malusog : "Magulo siguro kayo classroom nyo kahit me titser.,"


(Estudyante One) Di naman kagandahan na estudyante : "Tang ina, Takot teacher samen. Me teacher o wala, tang ina pinaiyak nga namin titser namen dati. Sinabunutan pa nya yung isa naming kaklase sa galet"


(Estudyante Three) Malusog : "ako kasi sa labas lang ako ng room makulet"


Pakshet! Mga salita ba yun grade 3!?

2012 (Party Like It's The End Of The World)

0
source
1. Kaguluhan sa Libya
2. Kaguluhan sa Saudi Arabia
3. Feb 21 - Manila Lumindol, 4.7 Magnitude
3. Lindol sa Japan 7.3 Magnitude
4. Lindol sa China 
5. Lindol sa Japan today (March 11, 7.9 Magnitude)

(HAITI, ONDOY, HAWAII VOLCANO, AUSTRALIA FLOODS)

Happiness?

2


This one rocks! Pag me nasalubong ako ganito! AMF! Magtatayo ako sarili ko COKE Factory! CAR NAP ko to...TRUCK NAP! Hahahaha.... oh ikaw ano gagawin mo?

Atten-HOOT! - Porn Muna Para Bawi!

3
Tama na muna ang kaguluhan sa kung sino talaga ang mahilig sa PABAON, BREAK MUNA!

Brought by DavaoToday.com

Soldiers watch porn as National Security adviser speaks

Astig talaga...Bakit pa nga ba papakinggan ang mga national national na yan. Eh wala naman alam mga yan kundi mambulsa ng pera!!

Kaya tuloy sila nood na lng porn kesa makinig pa...

OHA!!! Lupet...

---Blog ko to! Bawal Epal!
Itsabagslife.blogspot.com

Missing Friend?

0
"Na miss ko sya...Minsan kasi napaka insensitive ko"

Oh after a few months of misunderstanding and samaan ng loob we met again yesterday. I did want to say sorry to her and so i bought her a cheesecake.

She said to me "...dami ko na kekwento sayo"

Yes we miss each other, she's my buddy and my lifelong friend. Nakakamiss yung mga oras na magkasama kami at nag kakakwentuhan ng mga seryosong bagay. Di naman ganun ka seryoso. Sakto lang...

I remember her words "...Di ko talaga akalain na matino ka pala, akala ko nung high school pariwara ka"

Laughs..

"Parati naman ako nasa likod mo, di naman ako nawala. Ikaw lang kasi masyado mo dinibdib mga salita ko"

Wala naman siya nakwento. Kasi kasama namin si JP, pero importante we both know now na okay na kami. Frends na ule :D

Facebook Pasikat - More Than Just A Stat

0
Bakit nga ba sikat na sikat ka sa facebook ngayon? Magpalit ka lng ng relationship status eh lahat sila eh nagkakandarapa na agad sa pag epal sa status mo. Wari bang si John Loyd at Shaina lang kayo na natsismis na na ospital sa kwento ng maraming tao. Parang teleserye lang tuwing gabi na inaabangan ang ending at kung seswertihin eh ma chi tsismis pa na me kung anong video tape kayo.

Its Complicated - Tee Emm
Nagpalit lng nmn ikaw ng status na "It's Complicated" Teee Emmm..Duh! Bat ila like pa nila? Siguro complicated tee em din yung naglike! Oh kaya gustong gusto nila na maging komplikado ang puso mo o relasyon mo dahil dun sila higit na mas sasaya. Ginagamet din to madalas nung mga nag tu 2 tym or 3 tym or 4 tym... ung maraming chinochorva, kasi nga komplikado diba. Minsan nga naisip ko sa pag fill up ng application paper ko ilagay ko sa relationship Others: Its Complicated - Teee Emm. Matutuwa kaya ung makakatanggap ng papel? Sikat!

Single 
Eh bakit pag single naman dami nila nag-cocomment, Mula "Naks", "Single daw oh" hanggang "Oh wla na kayo?" , "Weeeh?", "Etchos!", "Go" at kung ano ano pang comment hanggang sa mauwi na lng sa kung ano anong usapan at mawala na sa topic na single ka na pakshet niloko ka lng at nasaktan ka..o kaya naman pakshet walang magkagusto sayo. Pwede? PweeeddeeeH!

In a relationship
Bakit nga ba kelangan pa ihayag na in a relationship with ____ ka na. Para bang may pakelam sila. Di ka naman si Kris Aquino na inaabangan kung sino nanaman ang ka chorvahan mo. Marami bumabati ng "Congrats", "Goodluck" at "Suotan Mo Helmet Yan!" Minsan ba naisip mo.. Ilagay ko kaya in a relationship with Anne Curtis Smith. Magiiba kaya ang Facebook pag ginawa ko yun?

Widowed, Separated and Divorced
Try mo kaya.. Try lang... Para maiba naman..Magkagulo kaya mga tao. Sigurado lalabas lahat ng mga pakelamero sa mundo at magtatanong sayo ng kung ano anong mga basurang tanong. Eh bakit ba nmn kasi kelngan mo pa yun gawin? Pwede nmn "Block This Person" o kaya delete your account na agad. Tapos mag sign up ka na lng at magpakilala ka na ikaw si Kokey o kaya si Kekay.

In An Open Relationship
Ito yata yung magandang relationship status na nabasa ko kasi siya ung pinakamahaba at siguradong mapapaisip yung mga tao. Mag ko comment ng kung ano ano...Open, parang restaurant lang. NOW OPEN.. Sigurado sikat ka. Sabi ng officemate ko eh para daw to sa mga NON-EXCLUSIVE lovers, yun bang mag karelasyon pero hindi naman. Karelasyon mo si ano pero hindi nya alam. Pag nalaman nya break na kayo.

Engaged and Married
Ito na yata yung pinakama epal na stat sa mundo na ginagamit ng iba kahit di naman sila credible para dun. Dapat pag pinili mo yung stat na to eh hihingi ung facebook "Please submit your wedding documents attached with the Wedding Ring. Thank You" Kasi me mga kilala ako sinagot lang ng nililigawan nya eh ilalagay "ENGAGED" tapos pag me ng yari na o kaya naka home base na eh ilalagay "MARRIED" Ayy... Landi!

Ikaw ano bang facebook stat mo? Hala Pile!

Bawal Epal! - Blog ko to
- www.itsabagslife.blogspot.com

My Amnesia Girl Movie Quotes

0
"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab...

...May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa."

"Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo."

"Maging cactus ka man, handa akong masaktan... mayakap ka lang."

"May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin."

"May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay ang mga titig mo."

"Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang."

"Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong nararamdaman.”

"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin."

"Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo."

"Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw."

"Alam mo, para kang tae... Hindi kasi kita kayang paglaruan."

"Ihi ka ba? ...Hindi kasi kita matiis eh."

"Para kang alak... ang lakas ng tama mo sa akin."

Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati hanggang balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.

Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kahapon kasi nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita.


Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba 'ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin 'yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.

-Epic lines from the movie - "My Amnesia Girl"


< 24 in 24years + 500 + 3

0
Inaantok na ako at natripan pang magsulat...
/Tinatapos ko pa kasi yung isang project sa freelance. Dollar pa yun:)/

Oh well. She text'd me today saying that she's living on sunday for UK. And i was so surprised and went a bit teary. She's dear to me. Though wala pa yatang 24 hours na nakasama ko sya sa halos 24 years na existence ko sa Earth eh masasabi kong magkaibigan kami. Hindi sana ako nagka blog kung hindi dahil sa kanya. Sabi nya sa akin dati - "Nakakasawa makinig sa mga complains mo lalo na't paulet ulet". And so she gave me an advice to create a blog and write my rants there. 

Sa mga struggles ko sa buhay noon. Nung wala pa si Michel sa buhay ko ha. I always run to her kahit simpleng text lang nagiging isang mahabang usapan na agad samin. I remember nung nasaktan ako ke ***, mangiyak ngiyak ako nun at naisipan ko magtext sa kanya and there she was. Siya yung tampuhan ko parati pag naabnormal ang puso ko. She was always there for me kahit sa simpleng paraan lang.

Pag me concerns ako sa medicine, ill just text her and ask for professional advice on whereabouts of the medicine at ayun mag rereply agad yan.

Kasi para sa akin masarap kausap yung mga taong hindi ka masyado kilala, or hindi mo madalas nakikita kasi makikinig lang yan at hindi magrereklamo. Pag se swertihin kapa bibigyan ka nya payo. Kaya sya yung tampuhan ko.

Parang unan ko siya. Patakan ng luha, lalo nat pag sobrang sakit at gusto ko ilabas.

Matiyaga siyang nagrereply sa mga text ko pag me tanong ako sa kanya. Madalas irretable sya pag tinawag ko na siya sa buong pangalan niya. Oh kea naman pag tinext ko siya at rereply siyang bakit? at sasabihin kong wala lang. Sa kanya ko lang din narinig na ang "pag b bf/gf eh distraction lang sa pagachieve ng goals ko yan" kulet diba. 

Haay KRENG!...hmf!

She text'd me "Thank you sa lahat..."

Ill keep remembering all those moments that we shared my friend. Kahit pa sabihin mong roaming ka. Pag nasa UK ka na. Piso tamang barko, madalas nakakalimot na ang mga tao. Basta magingat ka krengots! 

Pag may drama ako sa buhay malalaman mo na lng pag pinaskil ko na pangalan mo ng malaking malaki sa blog ko na to. BWAHAHAHA!

P.S. Wag ka umasang mamimiss kita, TSE!!LOL



Sticky Notes #1 (Pa-Post)

0



isang papost entry mula sa isang tao...sino? sikreto!
Bawal Epal - Itsabagslife.blogspot.com

Ostya. Ano Ka Nga Ba?

0
DISCLAIMER : I'm not claiming na alam ko lahat. Lalo na tungkol sa Christianity. I just posted this entry to condemn Filipino's wrong habit about the holy communion and confession - Being catholic as a whole.

What i learned from my school is that there are things that should be in order as far as being a Christian Catholic. Like binyag and 1st communion and then confirmation "kumpil". Stuffs like that.

Nagtataka lang kasi ako kung bakit mas mahaba ang pila ng communion kaysa sa mga nag kukumpisal? Wari bang pinamimigay lamang na pagkain ang ostya credits dahil nagsimba sila. Hindi naman ako nagmamalinis pero hindi ko rin naman sinasabi na isa ako sa kanila. Ang ayaw ko lang kasi marinig is yung katotohanan na pag misa ay ang mga katabi ko ay nagyayaan pa sa pag tanggap ng ostya. "Tara...Ostya" Para bang libre lang na biskwet sa supermarket at talagang sarap na sarap sila.

Habang Buhay?

0
"Siya na ba makakasama mo habang buhay?"

Tanong ng isang tao sakin habang nagpapalitan kami ng mga kwento, Di naman ako napaisip sa tanong nya at deretsang sagot din naman ang binigay ko "hindi ko alam" sabay malalim na hinga at bigkas ko "Hindi ko naman kasi inisip yan ng mahalin ko siya"

Pangako lang naman kasi ang salitang "habang buhay" sa akin. At di ko kailangan mangako sa kanya kasi sapat na ang maraming lalaki na nangako noon sa kanya, nagbigay ng sing-sing at ipinangako ang langit at lupa, pati yata impyerno isinama na din, pati pagtama sa lotto isinama sa pangako. Oo kelangan naman talaga ang salitang "habang buhay" sa isang relasyon bilang pampasarap ng mga bagay, pero walang silbe yun kung di mo din naman kayang patunayan hindi ba? Eh me kilala nga ako mag asawa nag aaway sila pero naayos din naman nila, kasi totoo ang salitang habang buhay para sa kanila.

"Hindi ginagamit ang salitang habang buhay sa pagpili ng makakasama, masyado kang perpeksyonist at asa kung sa twina na lang sasabihin mo sa sarili mo na siya na ang gusto ko makasama habang buhay" reaksyon ko sa pagtatanong niya

Mahal ko siya, habang isinusulat ko to, yun ang alam ko. Patuloy kong natututunan kung pano mahalin at pahalagahan siya.

---------------------------------
blog ko to. bawal epal!
itsabagslife.blogspot.com

Baguio Sizzle : So Good and So Cheap

0
We had a vacation getaway in Baguio and had a great time. Of course i wont mention epic stories in Baguio anymore but i don't want to miss this post talking about this great and cozy dine that we had in Session Road, Sizzling Plate Baguio. This is totally different to the Sizzling plate that you may find in SM foodcourts (sizzling plate without the sizzle - crap!).



So what do we have in menu? Australian Meats and Steaks? Price - Good. Porterhouse, Sate, Chicken BBQ, Grilled Pork Chop, Salisbury, T-bone, Tenderloin and i hope i didn't miss any main dishes but i bet i did. Plus some available juices and deserts to max up your appetite.

And so we ordered Salisbury Stake and Grilled Porkchop served with atchara. Mango juice and Calamansi juice. Plus a late serving of leche flan for our desert. All good!

After a 10 to 15 minutes of wait and exchange of jokes and stories about the rainy nights in Baguio - Dinner was served.

But you are the who's going to make your plate sizzle - and that is nice. You are the one who will pour in the steak sauce into your sizzling plate. The only thing to worry is accidents, of course don't be a dumb ass shit on putting the steak sauce on your plate just slowly pour down the sauce on your plate as it sizzles.

Now, my salisbury stake is topped with an egg and serve with fresh vegetables of course Baguio's pride. and same prep with Mika's grilled thick pork chop. Now with a calamansi juice and mango juice we went full and had enough but still we have to deal with the desert leche flan.It taste good at first but once you had at least 3 to 4 spoons you'll taste the "dayap" in it. "Mapait"

So with all the meals salvaged into our digestion. I have to pay. Surprising we were only billed 320 Pesos for those meals including the leche flan. See so cheap. Its like eating a C3 meal in Jollibee and getting a desert. The restaurant has an amazing look and feel from the outside and much more in the inside. This is a good restaurant that i can score 9 of 10 - a must place to dine on visiting Session Road Baguio.







  






Ondoy Memories

0
Sabi nila natututo daw ang tao kapag nasadlak ito sa dulo at nadama kung ano nga ba ang totoo. Pero bakit ganun? Nagtataka lang ako at maging ako sa sarili ko. Wala ng bagyo pero nasan na ang pamumuhay na simple para sa mga tao. Nasan na ang mga kamay na nagabot ng tulong. Tumutulong pa din ba tayo isang taon mula ng maranasan ang sakuna na ayon sa iba ay nagpabago sa buhay nila?

Lumipas na ang taon ngunit wala pa din nagbago. Sino ang hinihintay nyo? Ang Gobyerno nyo? C P-noy na ating pangulo? Ang pagbabago ay nagmumula sa kalaliman ng isang puso. Isang puso na tanging tao lang ang meron. Kelan ka pa magbabago, kapag isang unos pa ang tumangay sayo?

Ayaw mo naman siguro masama sa mga nasadlak sa buhay na ganito? Buhay na sanay na sa dagok at bagyo.

Cooking Show

5
"Ask any racer, any real racer. It doesn't matter if you win by an inch or a mile; winning's winning -The fast and the furious"



We fought hard but its just not enough for us to take home the smiles and break the curse of loosing on a single team per game record. We started the game with energy but when we saw our team slumping we didn't make any effort to boost them up. 3rd quarter, last 5:36, we are trailing by 18, all the student and the team does is complain on the referees and give them words that are shameful for a Catholic Vincentian School. I even admit it - "Putang Ina Mo Ref, Fuck you, Mamatay ka na!" when i saw that fumble during the fourth quarter where Will Stinett fell to the ground and a NO CALL by the refs and it ended up on the hands of Ateneo. That is crazy, I felt like shit and hopeless. We were trailing by 14 and hearing voices of Ateneo's "ONE BIG FIGHT!" while the student behind me was shouting "ONE CLEAN FIGHT!".

Fighting For Respect

1

"Fighting for one thing, RESPECT! We are what we are. Sloppy but well determined and motivated."

The Adamson University Falcons Basketball Mens Team was always known for loosing and bad images established by different ball game picture. I remember Mark Abadia of Adamson U before, Magaling pero mayabang at madalas magtaas ng damit pag moment na nya. Hehehe. All time favorite! 0-14? 1-13? 2-12? Epic, under coach Luigi. Ayaw ko na nun. Pag Adamson alam mo na yun "Talo na yan". Until coach Leo arrive in the scene. With Ken Bono and Patrick Cabahug on the strings we made it to the Final four but with a short 3 point shot that broke our hearts, I remember that day in Araneta. Final 4, college basketball fever. Kakaiba naman si Bono and Cabahug ahh.. Compared to all players strolling around the ball game scene during my 5 year stay in San Marcelino. Si Cabahug madalas ko nakakasalubong na naka jacket at tahimik lang na naglalakad. Si Bono madalas ko nakikita bumibili ng taho dun sa me Marians. They are simple but marked our school history when we were able to reach and play the UAAP final four after years of loosing habit, UAAP season 69, 2006, with Bono winning the MVP same year. 

But a sorry loss again against the formidable force Ateneo U.

Now, UAAP 73, Standing 8-4, with a lot of momentum, Looks like we are heading to the same direction again. Not with the loosing one, but with wins that makes a day by day added chunks of respect to our names. "Nadadagdagan ang morale ng team na to at maging ng supporters nito dahil sa larong pinapakita ng mga players nila" How? Because we work hard for it. When i went out last sunday game after an another sorry loss, Inis at pagkasuya sa sarili (when i was walking out the Araneta) I heard a mum"Galing ng Adamson, Ganda ng game... Nakaka kaba" I raise my head up and see that guy who said those words, tiga Ateneo siya with his son and daughter. Saying good words about my team. "Proud ako". Yes we lost another game. But we earned a lot of respect from other people.

All i can say is see you in the Final Four:) Lessons learned!

For Fanatics! Heads UP. Sing your hymn! Wag yung alam nyo ng natalo. Lalayasan nyo na kasi talo.

For Players. Cry hard and Weep. Come back strong! Every Drop Counts!

--------------------------
this is my life : itsabagslife.blogspot.com



Komiks sa gitna ng kalungkutan!

0







Weathering the storm

0


































Waiting

10 Sobra

0
Sobrang busy nakakalimutan ko na. Meron nga pala akong blog.
Sobrang antok mas pinipili ko pa din na hindi na lang matulog.
Sobrang hapdi na mata ko, nagseshades ako pra di halata.
Sobrang sipag. Gusto ko magtrip at tamarin (pero hindi pwede)
Sobrang pagod. Nakakatulog na ako kahit saan ako abutan.
Sobrang lakas ng sounds ko. Kunwari di ko sila naririnig.
Sobrang pakikinig sa kanila. Gusto ko na lng masuka. 
Sobrang seryoso ko minsan. Hindi na ako makatawa.
Sobrang pagtitiwala. Yun pala winawalang hiya ka na. 
Sobra daw ako. Ano pa nga ba?










BLOG KO TO! BAWAL EPAL! - itsabagslife.blogspot.com