Like it!
What i learned from my school is that there are things that should be in order as far as being a Christian Catholic. Like binyag and 1st communion and then confirmation "kumpil". Stuffs like that.
Nagtataka lang kasi ako kung bakit mas mahaba ang pila ng communion kaysa sa mga nag kukumpisal? Wari bang pinamimigay lamang na pagkain ang ostya credits dahil nagsimba sila. Hindi naman ako nagmamalinis pero hindi ko rin naman sinasabi na isa ako sa kanila. Ang ayaw ko lang kasi marinig is yung katotohanan na pag misa ay ang mga katabi ko ay nagyayaan pa sa pag tanggap ng ostya. "Tara...Ostya" Para bang libre lang na biskwet sa supermarket at talagang sarap na sarap sila.
"Katawan ni Kristo" Ang komunyon ay isang banal na sakramento. Mistulang hindi yata yun alam ng nakararaming tao. Ang mga tumatangap ng banal na sakramento ay pawang mga taong handa na maging kaisa si kristo. Pano nga ba ako magiging handa? Sa pamamagitan ng pagkukumpisal o pag hingi ng tawad sa mga kasalanan mo.
So ano ngayon ang punto? Simple lang. Ang Ostya ay marapat lamang tanggapin ng mga taong handa na maging kaisa ni kristo. Sa Roman Catholic church ay transubstantiation ang tawag dito - Katawan at Dugo ni kristo. Ang akin lang magkumpisal ka muna ng kasalan mo kapatid ko. Humingi ng penance at simulan ang pagbabago. Bago mo ipahayag na kaisa mo si kristo.
Isa itong simpleng bagay na mistula yata binabalewala lang ng tao.
Comments (0)
Post a Comment