Recent twitter entries...

Pages

Missing Friend?

0
"Na miss ko sya...Minsan kasi napaka insensitive ko"

Oh after a few months of misunderstanding and samaan ng loob we met again yesterday. I did want to say sorry to her and so i bought her a cheesecake.

She said to me "...dami ko na kekwento sayo"

Yes we miss each other, she's my buddy and my lifelong friend. Nakakamiss yung mga oras na magkasama kami at nag kakakwentuhan ng mga seryosong bagay. Di naman ganun ka seryoso. Sakto lang...

I remember her words "...Di ko talaga akalain na matino ka pala, akala ko nung high school pariwara ka"

Laughs..

"Parati naman ako nasa likod mo, di naman ako nawala. Ikaw lang kasi masyado mo dinibdib mga salita ko"

Wala naman siya nakwento. Kasi kasama namin si JP, pero importante we both know now na okay na kami. Frends na ule :D

Back As One?

0
"I remember the boy...but i don't remember the feeling anymore"

Akala ko nung una, sincere yung nagpaabot ng sticky note na to. Yun pala...

The girl told me that she broke up with her boyfriend because she felt that she's not being appreciated anymore by the boy. She was claiming that she lost all those old feelings for the guy.

As you read from the note "Napagod na ako mahalin ka" she went weary and tired of loving the boy.

Things went pretty ugly when she told me that she is also falling for a guy who is sweet, caring and acting like he is someone that she really waited for. But they had a pretty ugly special friend relationship that became hell discovering that the guy doesn't like her. Saying "Sorry, I didn't mean to give you the wrong feeling"

Fuck! Sweet lang pala talaga si Guy, FLIRT! Eat my shit!

Facebook Pasikat - More Than Just A Stat

0
Bakit nga ba sikat na sikat ka sa facebook ngayon? Magpalit ka lng ng relationship status eh lahat sila eh nagkakandarapa na agad sa pag epal sa status mo. Wari bang si John Loyd at Shaina lang kayo na natsismis na na ospital sa kwento ng maraming tao. Parang teleserye lang tuwing gabi na inaabangan ang ending at kung seswertihin eh ma chi tsismis pa na me kung anong video tape kayo.

Its Complicated - Tee Emm
Nagpalit lng nmn ikaw ng status na "It's Complicated" Teee Emmm..Duh! Bat ila like pa nila? Siguro complicated tee em din yung naglike! Oh kaya gustong gusto nila na maging komplikado ang puso mo o relasyon mo dahil dun sila higit na mas sasaya. Ginagamet din to madalas nung mga nag tu 2 tym or 3 tym or 4 tym... ung maraming chinochorva, kasi nga komplikado diba. Minsan nga naisip ko sa pag fill up ng application paper ko ilagay ko sa relationship Others: Its Complicated - Teee Emm. Matutuwa kaya ung makakatanggap ng papel? Sikat!

Single 
Eh bakit pag single naman dami nila nag-cocomment, Mula "Naks", "Single daw oh" hanggang "Oh wla na kayo?" , "Weeeh?", "Etchos!", "Go" at kung ano ano pang comment hanggang sa mauwi na lng sa kung ano anong usapan at mawala na sa topic na single ka na pakshet niloko ka lng at nasaktan ka..o kaya naman pakshet walang magkagusto sayo. Pwede? PweeeddeeeH!

In a relationship
Bakit nga ba kelangan pa ihayag na in a relationship with ____ ka na. Para bang may pakelam sila. Di ka naman si Kris Aquino na inaabangan kung sino nanaman ang ka chorvahan mo. Marami bumabati ng "Congrats", "Goodluck" at "Suotan Mo Helmet Yan!" Minsan ba naisip mo.. Ilagay ko kaya in a relationship with Anne Curtis Smith. Magiiba kaya ang Facebook pag ginawa ko yun?

Widowed, Separated and Divorced
Try mo kaya.. Try lang... Para maiba naman..Magkagulo kaya mga tao. Sigurado lalabas lahat ng mga pakelamero sa mundo at magtatanong sayo ng kung ano anong mga basurang tanong. Eh bakit ba nmn kasi kelngan mo pa yun gawin? Pwede nmn "Block This Person" o kaya delete your account na agad. Tapos mag sign up ka na lng at magpakilala ka na ikaw si Kokey o kaya si Kekay.

In An Open Relationship
Ito yata yung magandang relationship status na nabasa ko kasi siya ung pinakamahaba at siguradong mapapaisip yung mga tao. Mag ko comment ng kung ano ano...Open, parang restaurant lang. NOW OPEN.. Sigurado sikat ka. Sabi ng officemate ko eh para daw to sa mga NON-EXCLUSIVE lovers, yun bang mag karelasyon pero hindi naman. Karelasyon mo si ano pero hindi nya alam. Pag nalaman nya break na kayo.

Engaged and Married
Ito na yata yung pinakama epal na stat sa mundo na ginagamit ng iba kahit di naman sila credible para dun. Dapat pag pinili mo yung stat na to eh hihingi ung facebook "Please submit your wedding documents attached with the Wedding Ring. Thank You" Kasi me mga kilala ako sinagot lang ng nililigawan nya eh ilalagay "ENGAGED" tapos pag me ng yari na o kaya naka home base na eh ilalagay "MARRIED" Ayy... Landi!

Ikaw ano bang facebook stat mo? Hala Pile!

Bawal Epal! - Blog ko to
- www.itsabagslife.blogspot.com

My Amnesia Girl Movie Quotes

0
"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab...

...May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa."

"Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo."

"Maging cactus ka man, handa akong masaktan... mayakap ka lang."

"May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin."

"May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay ang mga titig mo."

"Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang."

"Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong nararamdaman.”

"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin."

"Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo."

"Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw."

"Alam mo, para kang tae... Hindi kasi kita kayang paglaruan."

"Ihi ka ba? ...Hindi kasi kita matiis eh."

"Para kang alak... ang lakas ng tama mo sa akin."

Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati hanggang balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.

Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kahapon kasi nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita.


Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba 'ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin 'yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.

-Epic lines from the movie - "My Amnesia Girl"


< 24 in 24years + 500 + 3

0
Inaantok na ako at natripan pang magsulat...
/Tinatapos ko pa kasi yung isang project sa freelance. Dollar pa yun:)/

Oh well. She text'd me today saying that she's living on sunday for UK. And i was so surprised and went a bit teary. She's dear to me. Though wala pa yatang 24 hours na nakasama ko sya sa halos 24 years na existence ko sa Earth eh masasabi kong magkaibigan kami. Hindi sana ako nagka blog kung hindi dahil sa kanya. Sabi nya sa akin dati - "Nakakasawa makinig sa mga complains mo lalo na't paulet ulet". And so she gave me an advice to create a blog and write my rants there. 

Sa mga struggles ko sa buhay noon. Nung wala pa si Michel sa buhay ko ha. I always run to her kahit simpleng text lang nagiging isang mahabang usapan na agad samin. I remember nung nasaktan ako ke ***, mangiyak ngiyak ako nun at naisipan ko magtext sa kanya and there she was. Siya yung tampuhan ko parati pag naabnormal ang puso ko. She was always there for me kahit sa simpleng paraan lang.

Pag me concerns ako sa medicine, ill just text her and ask for professional advice on whereabouts of the medicine at ayun mag rereply agad yan.

Kasi para sa akin masarap kausap yung mga taong hindi ka masyado kilala, or hindi mo madalas nakikita kasi makikinig lang yan at hindi magrereklamo. Pag se swertihin kapa bibigyan ka nya payo. Kaya sya yung tampuhan ko.

Parang unan ko siya. Patakan ng luha, lalo nat pag sobrang sakit at gusto ko ilabas.

Matiyaga siyang nagrereply sa mga text ko pag me tanong ako sa kanya. Madalas irretable sya pag tinawag ko na siya sa buong pangalan niya. Oh kea naman pag tinext ko siya at rereply siyang bakit? at sasabihin kong wala lang. Sa kanya ko lang din narinig na ang "pag b bf/gf eh distraction lang sa pagachieve ng goals ko yan" kulet diba. 

Haay KRENG!...hmf!

She text'd me "Thank you sa lahat..."

Ill keep remembering all those moments that we shared my friend. Kahit pa sabihin mong roaming ka. Pag nasa UK ka na. Piso tamang barko, madalas nakakalimot na ang mga tao. Basta magingat ka krengots! 

Pag may drama ako sa buhay malalaman mo na lng pag pinaskil ko na pangalan mo ng malaking malaki sa blog ko na to. BWAHAHAHA!

P.S. Wag ka umasang mamimiss kita, TSE!!LOL



Sticky Notes #1 (Pa-Post)

0



isang papost entry mula sa isang tao...sino? sikreto!
Bawal Epal - Itsabagslife.blogspot.com