Recent twitter entries...

Pages

Pag-asa

Like it!

"Sinubukan ko na pero mahirap at bumabalik pa din...ayaw ko, masakit, saka na siguro pag kaya ko na tanggapin"

Yun ang sabi nya ng pilitin ko siya na mag kwento tungkol sa mahiwagang facebook stat nya. Mahirap talagang iwanan ang salitang pag asa lalo pat bagong tuklas mo pa lang ito. Yun na yata ang pinakamasarap na bagay na pwede mong gawin habang lumulutang ang isip mo. Pipikit ka, tapos babalik ka sa kahapon, iisipin na sana ganito, sana ganon, masarap talaga at siguradong ang salitang asa ang kukumpleto sa araw mo.

Sabi ko nga sa kanya "Mahirap talaga umasa, pero yung lang ang pwede mo gawin pra masatisfy ka"

Yun naman talaga ang sumasatisfy sa isang tao. Lalo na sa mga nasasaktan, nasaktan at gusto pang masaktan. Sa salitang asa, libre lang lahat! Walang limitasyon! Kung sariwa pa ang sugat, sigurado ang salitang asa lang ang katabi mo sa kama pag sapit ng gabi, medyo dagdagan mo ng konting luha pra mas masatisfy ka. Iniisip mo lahat ng bagay at umaasa ka.


The next day? Ganon ulit? The next day? Ganon ulet? TETENG!

Minsan nakakalimutan ng tao harapin ang katotohanan na ang salitang "umaasa" ay pag nasagad at naging mahaba ay nagiging "walang kapag ka pagasa". They made excuses para lang makatawid sa bukas at sasabihin nilang di na sila aasa pero bukas - the same shit pa din!

"Okay lang yan" sabi ko sa kanya, music lang yan. Di ko naman talaga ma isasalba ang isang tao na nababaon sa salitang asa, siya lang din naman ang sasagip sa sarili niya.

Comments (2)

Minsan...Ganon talaga! heheheh....

bakit hindi, kung yun lang nmn ang natitira na mahahawakan pa...

Post a Comment