Recent twitter entries...

Pages

Missing Friend?

0
"Na miss ko sya...Minsan kasi napaka insensitive ko"

Oh after a few months of misunderstanding and samaan ng loob we met again yesterday. I did want to say sorry to her and so i bought her a cheesecake.

She said to me "...dami ko na kekwento sayo"

Yes we miss each other, she's my buddy and my lifelong friend. Nakakamiss yung mga oras na magkasama kami at nag kakakwentuhan ng mga seryosong bagay. Di naman ganun ka seryoso. Sakto lang...

I remember her words "...Di ko talaga akalain na matino ka pala, akala ko nung high school pariwara ka"

Laughs..

"Parati naman ako nasa likod mo, di naman ako nawala. Ikaw lang kasi masyado mo dinibdib mga salita ko"

Wala naman siya nakwento. Kasi kasama namin si JP, pero importante we both know now na okay na kami. Frends na ule :D

Back As One?

0
"I remember the boy...but i don't remember the feeling anymore"

Akala ko nung una, sincere yung nagpaabot ng sticky note na to. Yun pala...

The girl told me that she broke up with her boyfriend because she felt that she's not being appreciated anymore by the boy. She was claiming that she lost all those old feelings for the guy.

As you read from the note "Napagod na ako mahalin ka" she went weary and tired of loving the boy.

Things went pretty ugly when she told me that she is also falling for a guy who is sweet, caring and acting like he is someone that she really waited for. But they had a pretty ugly special friend relationship that became hell discovering that the guy doesn't like her. Saying "Sorry, I didn't mean to give you the wrong feeling"

Fuck! Sweet lang pala talaga si Guy, FLIRT! Eat my shit!

Facebook Pasikat - More Than Just A Stat

0
Bakit nga ba sikat na sikat ka sa facebook ngayon? Magpalit ka lng ng relationship status eh lahat sila eh nagkakandarapa na agad sa pag epal sa status mo. Wari bang si John Loyd at Shaina lang kayo na natsismis na na ospital sa kwento ng maraming tao. Parang teleserye lang tuwing gabi na inaabangan ang ending at kung seswertihin eh ma chi tsismis pa na me kung anong video tape kayo.

Its Complicated - Tee Emm
Nagpalit lng nmn ikaw ng status na "It's Complicated" Teee Emmm..Duh! Bat ila like pa nila? Siguro complicated tee em din yung naglike! Oh kaya gustong gusto nila na maging komplikado ang puso mo o relasyon mo dahil dun sila higit na mas sasaya. Ginagamet din to madalas nung mga nag tu 2 tym or 3 tym or 4 tym... ung maraming chinochorva, kasi nga komplikado diba. Minsan nga naisip ko sa pag fill up ng application paper ko ilagay ko sa relationship Others: Its Complicated - Teee Emm. Matutuwa kaya ung makakatanggap ng papel? Sikat!

Single 
Eh bakit pag single naman dami nila nag-cocomment, Mula "Naks", "Single daw oh" hanggang "Oh wla na kayo?" , "Weeeh?", "Etchos!", "Go" at kung ano ano pang comment hanggang sa mauwi na lng sa kung ano anong usapan at mawala na sa topic na single ka na pakshet niloko ka lng at nasaktan ka..o kaya naman pakshet walang magkagusto sayo. Pwede? PweeeddeeeH!

In a relationship
Bakit nga ba kelangan pa ihayag na in a relationship with ____ ka na. Para bang may pakelam sila. Di ka naman si Kris Aquino na inaabangan kung sino nanaman ang ka chorvahan mo. Marami bumabati ng "Congrats", "Goodluck" at "Suotan Mo Helmet Yan!" Minsan ba naisip mo.. Ilagay ko kaya in a relationship with Anne Curtis Smith. Magiiba kaya ang Facebook pag ginawa ko yun?

Widowed, Separated and Divorced
Try mo kaya.. Try lang... Para maiba naman..Magkagulo kaya mga tao. Sigurado lalabas lahat ng mga pakelamero sa mundo at magtatanong sayo ng kung ano anong mga basurang tanong. Eh bakit ba nmn kasi kelngan mo pa yun gawin? Pwede nmn "Block This Person" o kaya delete your account na agad. Tapos mag sign up ka na lng at magpakilala ka na ikaw si Kokey o kaya si Kekay.

In An Open Relationship
Ito yata yung magandang relationship status na nabasa ko kasi siya ung pinakamahaba at siguradong mapapaisip yung mga tao. Mag ko comment ng kung ano ano...Open, parang restaurant lang. NOW OPEN.. Sigurado sikat ka. Sabi ng officemate ko eh para daw to sa mga NON-EXCLUSIVE lovers, yun bang mag karelasyon pero hindi naman. Karelasyon mo si ano pero hindi nya alam. Pag nalaman nya break na kayo.

Engaged and Married
Ito na yata yung pinakama epal na stat sa mundo na ginagamit ng iba kahit di naman sila credible para dun. Dapat pag pinili mo yung stat na to eh hihingi ung facebook "Please submit your wedding documents attached with the Wedding Ring. Thank You" Kasi me mga kilala ako sinagot lang ng nililigawan nya eh ilalagay "ENGAGED" tapos pag me ng yari na o kaya naka home base na eh ilalagay "MARRIED" Ayy... Landi!

Ikaw ano bang facebook stat mo? Hala Pile!

Bawal Epal! - Blog ko to
- www.itsabagslife.blogspot.com

My Amnesia Girl Movie Quotes

0
"Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa'yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab...

...May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa."

"Ulan ka ba? Kasi lupa ako. Sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ang bagsak mo."

"Maging cactus ka man, handa akong masaktan... mayakap ka lang."

"May MMDA ba dito? Nagkabanggaan kasi ang puso natin."

"May lason ba ang mga mata mo? Kasi nakakamatay ang mga titig mo."

"Ang true love ay para sa matatapang na tao lamang."

"Ipikit mo ang mga mata mo. Kasi sabi nila, kapag nakapikit ka, dun mo malalaman ang totoo mong nararamdaman.”

"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay kitang yayakapin."

"Kung ikakasal ka saan mo gusto? Ako kasi sa tabi mo."

"Kung may uulitin ako sa buhay ko, gusto kong ulitin yung araw na nakilala kita. Kahit paulit-ulit. Kahit araw-araw."

"Alam mo, para kang tae... Hindi kasi kita kayang paglaruan."

"Ihi ka ba? ...Hindi kasi kita matiis eh."

"Para kang alak... ang lakas ng tama mo sa akin."

Apollo: Tumatangkad ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kasi dati hanggang balikat lang kita, ngayon nasa isip na kita.

Apollo: Lumiliit ka ba?
Irene: Hindi, bakit?
Apollo: Kahapon kasi nasa isip lang kita, ngayon nasa puso na kita.


Apollo: Bakit ba hinahanap ang isang tao?
Peachy: Kasi gusto mo siya?
Apollo: Hindi, kasi nawawala.
Irene: Bakit? Nawawala ba 'ko?
Apollo: Hindi, pero hindi ka kasi mawala sa isip ko eh.

Apollo: Bakit mo ba hinihintay ang isang tao?
Irene: Kasi takas sa bilibid?
Apollo: Hindi, kasi gusto mo siya.

Irene: Mahal kita.
Apollo: Sana pirated CD ka nalang para paulit-ulit mong sabihin 'yan.
Irene: Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita.

Apollo: Magdala ka ng salbabida.
Irene: Bakit? Maliligo ba tayo?
Apollo: Hindi, baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Irene: Sino ako?
Apollo: Ikaw si Irene ko. Ikaw ang mapapangasawa ko. Photographer ka.
Irene: Mali. Pulis ako. Ikaw kasi ang most wanted ko.

-Epic lines from the movie - "My Amnesia Girl"


< 24 in 24years + 500 + 3

0
Inaantok na ako at natripan pang magsulat...
/Tinatapos ko pa kasi yung isang project sa freelance. Dollar pa yun:)/

Oh well. She text'd me today saying that she's living on sunday for UK. And i was so surprised and went a bit teary. She's dear to me. Though wala pa yatang 24 hours na nakasama ko sya sa halos 24 years na existence ko sa Earth eh masasabi kong magkaibigan kami. Hindi sana ako nagka blog kung hindi dahil sa kanya. Sabi nya sa akin dati - "Nakakasawa makinig sa mga complains mo lalo na't paulet ulet". And so she gave me an advice to create a blog and write my rants there. 

Sa mga struggles ko sa buhay noon. Nung wala pa si Michel sa buhay ko ha. I always run to her kahit simpleng text lang nagiging isang mahabang usapan na agad samin. I remember nung nasaktan ako ke ***, mangiyak ngiyak ako nun at naisipan ko magtext sa kanya and there she was. Siya yung tampuhan ko parati pag naabnormal ang puso ko. She was always there for me kahit sa simpleng paraan lang.

Pag me concerns ako sa medicine, ill just text her and ask for professional advice on whereabouts of the medicine at ayun mag rereply agad yan.

Kasi para sa akin masarap kausap yung mga taong hindi ka masyado kilala, or hindi mo madalas nakikita kasi makikinig lang yan at hindi magrereklamo. Pag se swertihin kapa bibigyan ka nya payo. Kaya sya yung tampuhan ko.

Parang unan ko siya. Patakan ng luha, lalo nat pag sobrang sakit at gusto ko ilabas.

Matiyaga siyang nagrereply sa mga text ko pag me tanong ako sa kanya. Madalas irretable sya pag tinawag ko na siya sa buong pangalan niya. Oh kea naman pag tinext ko siya at rereply siyang bakit? at sasabihin kong wala lang. Sa kanya ko lang din narinig na ang "pag b bf/gf eh distraction lang sa pagachieve ng goals ko yan" kulet diba. 

Haay KRENG!...hmf!

She text'd me "Thank you sa lahat..."

Ill keep remembering all those moments that we shared my friend. Kahit pa sabihin mong roaming ka. Pag nasa UK ka na. Piso tamang barko, madalas nakakalimot na ang mga tao. Basta magingat ka krengots! 

Pag may drama ako sa buhay malalaman mo na lng pag pinaskil ko na pangalan mo ng malaking malaki sa blog ko na to. BWAHAHAHA!

P.S. Wag ka umasang mamimiss kita, TSE!!LOL



Sticky Notes #1 (Pa-Post)

0



isang papost entry mula sa isang tao...sino? sikreto!
Bawal Epal - Itsabagslife.blogspot.com

Firework

0


Firework - Katty Perry

Do you ever feel like a plastic bag
Drifting through the wind, wanting to start again?
Do you ever feel, feel so paper thin
Like a house of cards, one blow from caving in?

Do you ever feel already buried deep?
Six feet under screams but no one seems to hear a thing
Do you know that there's still a chance for you
'Cause there's a spark in you?

You just gotta ignite the light and let it shine
Just own the night like the 4th of July

'Cause baby, you're a firework
Come on, show 'em what you're worth
Make 'em go, oh
As you shoot across the sky

Baby, you're a firework
Come on, let your colors burst
Make 'em go, oh
You're gonna leave 'em falling down

You don't have to feel like a waste of space
You're original, cannot be replaced
If you only knew what the future holds
After a hurricane comes a rainbow

Maybe you're reason why all the doors are closed
So you could open one that leads you to the perfect road
Like a lightning bolt, your heart will blow
And when it's time, you'll know

You just gotta ignite the light and let it shine
Just own the night like the 4th of July

'Cause baby you're a firework
Come on, show 'em what you're worth
Make 'em go, oh
As you shoot across the sky

Baby, you're a firework
Come on, let your colors burst
Make 'em go, oh
You're gonna leave 'em falling down

Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
It's always been inside of you, you, you
And now it's time to let it through

'Cause baby you're a firework
Come on, show 'em what you're worth
Make 'em go, oh
As you shoot across the sky

Baby, you're a firework
Come on, let your colors burst
Make 'em go, oh
You're gonna leave 'em falling down

Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon
Boom, boom, boom
Even brighter than the moon, moon, moon

Unstoppable

0
Movie Title: Unstoppable
Genre: Suspense & Drama

Stars: Denzel Washington as Frank
         Chris Pine as Will
         Rosario Dawson as Connie

Favorite Movie Quote:
"You are a funny guy. Well-trained, but funny. " -Frank to Will

My Quote:
"Unstoppable Movie of the Year!"

I grew up seeing movies of Denzel Washington, and this review would probably be bias but i got to have this. The Book of Eli, Pelham, American Gangsters, JohnQ, Remember the Titans and tons of great movies. Denzel Washington (a fan of Manny Pacquiao) delivers another great movie through this Unstoppable Movie.

Unstoppable was inspired by a true story. An unmanned train running for disaster is on the loose. On the other side of the railroad there's a children's day out for train ride - Fieldtrip. Picture the disaster that would about to happen. With an added flavor that the train operators lately discovered, their unmanned train is carrying a hazardous chemical called molten phenol. Total disaster.

Ostya. Ano Ka Nga Ba?

0
DISCLAIMER : I'm not claiming na alam ko lahat. Lalo na tungkol sa Christianity. I just posted this entry to condemn Filipino's wrong habit about the holy communion and confession - Being catholic as a whole.

What i learned from my school is that there are things that should be in order as far as being a Christian Catholic. Like binyag and 1st communion and then confirmation "kumpil". Stuffs like that.

Nagtataka lang kasi ako kung bakit mas mahaba ang pila ng communion kaysa sa mga nag kukumpisal? Wari bang pinamimigay lamang na pagkain ang ostya credits dahil nagsimba sila. Hindi naman ako nagmamalinis pero hindi ko rin naman sinasabi na isa ako sa kanila. Ang ayaw ko lang kasi marinig is yung katotohanan na pag misa ay ang mga katabi ko ay nagyayaan pa sa pag tanggap ng ostya. "Tara...Ostya" Para bang libre lang na biskwet sa supermarket at talagang sarap na sarap sila.

A Teacher - A Musician

0
Dashboard Confessional lead vocal was a school teacher talks about mixing up music and teaching. - "Belle of the Boulevard"



Habang Buhay?

0
"Siya na ba makakasama mo habang buhay?"

Tanong ng isang tao sakin habang nagpapalitan kami ng mga kwento, Di naman ako napaisip sa tanong nya at deretsang sagot din naman ang binigay ko "hindi ko alam" sabay malalim na hinga at bigkas ko "Hindi ko naman kasi inisip yan ng mahalin ko siya"

Pangako lang naman kasi ang salitang "habang buhay" sa akin. At di ko kailangan mangako sa kanya kasi sapat na ang maraming lalaki na nangako noon sa kanya, nagbigay ng sing-sing at ipinangako ang langit at lupa, pati yata impyerno isinama na din, pati pagtama sa lotto isinama sa pangako. Oo kelangan naman talaga ang salitang "habang buhay" sa isang relasyon bilang pampasarap ng mga bagay, pero walang silbe yun kung di mo din naman kayang patunayan hindi ba? Eh me kilala nga ako mag asawa nag aaway sila pero naayos din naman nila, kasi totoo ang salitang habang buhay para sa kanila.

"Hindi ginagamit ang salitang habang buhay sa pagpili ng makakasama, masyado kang perpeksyonist at asa kung sa twina na lang sasabihin mo sa sarili mo na siya na ang gusto ko makasama habang buhay" reaksyon ko sa pagtatanong niya

Mahal ko siya, habang isinusulat ko to, yun ang alam ko. Patuloy kong natututunan kung pano mahalin at pahalagahan siya.

---------------------------------
blog ko to. bawal epal!
itsabagslife.blogspot.com

Baguio Sizzle : So Good and So Cheap

0
We had a vacation getaway in Baguio and had a great time. Of course i wont mention epic stories in Baguio anymore but i don't want to miss this post talking about this great and cozy dine that we had in Session Road, Sizzling Plate Baguio. This is totally different to the Sizzling plate that you may find in SM foodcourts (sizzling plate without the sizzle - crap!).



So what do we have in menu? Australian Meats and Steaks? Price - Good. Porterhouse, Sate, Chicken BBQ, Grilled Pork Chop, Salisbury, T-bone, Tenderloin and i hope i didn't miss any main dishes but i bet i did. Plus some available juices and deserts to max up your appetite.

And so we ordered Salisbury Stake and Grilled Porkchop served with atchara. Mango juice and Calamansi juice. Plus a late serving of leche flan for our desert. All good!

After a 10 to 15 minutes of wait and exchange of jokes and stories about the rainy nights in Baguio - Dinner was served.

But you are the who's going to make your plate sizzle - and that is nice. You are the one who will pour in the steak sauce into your sizzling plate. The only thing to worry is accidents, of course don't be a dumb ass shit on putting the steak sauce on your plate just slowly pour down the sauce on your plate as it sizzles.

Now, my salisbury stake is topped with an egg and serve with fresh vegetables of course Baguio's pride. and same prep with Mika's grilled thick pork chop. Now with a calamansi juice and mango juice we went full and had enough but still we have to deal with the desert leche flan.It taste good at first but once you had at least 3 to 4 spoons you'll taste the "dayap" in it. "Mapait"

So with all the meals salvaged into our digestion. I have to pay. Surprising we were only billed 320 Pesos for those meals including the leche flan. See so cheap. Its like eating a C3 meal in Jollibee and getting a desert. The restaurant has an amazing look and feel from the outside and much more in the inside. This is a good restaurant that i can score 9 of 10 - a must place to dine on visiting Session Road Baguio.







  






After.Life

0



Movie Title : After.Life
Genre : Mystery / Thriller

Stars : Christina Ricci as Anna
           Justin Long as Paul
           Liam Neeson as Eliot

Favorite Movie Quotes:
"I thought you were different. You all say you're scared of death, but the truth is you're more scared of life." - Eliot

"You have to look beautiful for your funeral. This is how they are all going to remember you. " - Eliot

My Quote :
"Intriguing and disturbing"

This movie will surely leave a question on your mind after seeing it. Even argue with a friend after finishing the movie that was made for you to conclude.


Anna Taylor wakes up after a car accident seeing the face of a man - Eliot Deacon a funeral director saying "your dead" while preparing her for her funeral. Confused and doubtful of the events Anna still believes that she is very much alive but Eliot convinces her that she's just on the transition of afterlife. Eliot was claiming that he has the power to see dead people and communicate with them. Anna was trapped on the funeral home trying to buy her way out to the world where she taught she still exist but everytime she tries to escape there's Eliot explaining about people facing the truth about death.

After.life is something different and a must see movie. A matured movie though seeing Christina Ricci walking naked or having sex with her boyfriend Paul (Justin Long). This movie left me a question in my mind "Did she really die?" but my answer is simple. Be intelligent on seeing this movie rather than jump into conclusions of afterlife.

See movie trailer : 






Ondoy Memories

0
Sabi nila natututo daw ang tao kapag nasadlak ito sa dulo at nadama kung ano nga ba ang totoo. Pero bakit ganun? Nagtataka lang ako at maging ako sa sarili ko. Wala ng bagyo pero nasan na ang pamumuhay na simple para sa mga tao. Nasan na ang mga kamay na nagabot ng tulong. Tumutulong pa din ba tayo isang taon mula ng maranasan ang sakuna na ayon sa iba ay nagpabago sa buhay nila?

Lumipas na ang taon ngunit wala pa din nagbago. Sino ang hinihintay nyo? Ang Gobyerno nyo? C P-noy na ating pangulo? Ang pagbabago ay nagmumula sa kalaliman ng isang puso. Isang puso na tanging tao lang ang meron. Kelan ka pa magbabago, kapag isang unos pa ang tumangay sayo?

Ayaw mo naman siguro masama sa mga nasadlak sa buhay na ganito? Buhay na sanay na sa dagok at bagyo.

Cooking Show

5
"Ask any racer, any real racer. It doesn't matter if you win by an inch or a mile; winning's winning -The fast and the furious"



We fought hard but its just not enough for us to take home the smiles and break the curse of loosing on a single team per game record. We started the game with energy but when we saw our team slumping we didn't make any effort to boost them up. 3rd quarter, last 5:36, we are trailing by 18, all the student and the team does is complain on the referees and give them words that are shameful for a Catholic Vincentian School. I even admit it - "Putang Ina Mo Ref, Fuck you, Mamatay ka na!" when i saw that fumble during the fourth quarter where Will Stinett fell to the ground and a NO CALL by the refs and it ended up on the hands of Ateneo. That is crazy, I felt like shit and hopeless. We were trailing by 14 and hearing voices of Ateneo's "ONE BIG FIGHT!" while the student behind me was shouting "ONE CLEAN FIGHT!".

Fighting For Respect

1

"Fighting for one thing, RESPECT! We are what we are. Sloppy but well determined and motivated."

The Adamson University Falcons Basketball Mens Team was always known for loosing and bad images established by different ball game picture. I remember Mark Abadia of Adamson U before, Magaling pero mayabang at madalas magtaas ng damit pag moment na nya. Hehehe. All time favorite! 0-14? 1-13? 2-12? Epic, under coach Luigi. Ayaw ko na nun. Pag Adamson alam mo na yun "Talo na yan". Until coach Leo arrive in the scene. With Ken Bono and Patrick Cabahug on the strings we made it to the Final four but with a short 3 point shot that broke our hearts, I remember that day in Araneta. Final 4, college basketball fever. Kakaiba naman si Bono and Cabahug ahh.. Compared to all players strolling around the ball game scene during my 5 year stay in San Marcelino. Si Cabahug madalas ko nakakasalubong na naka jacket at tahimik lang na naglalakad. Si Bono madalas ko nakikita bumibili ng taho dun sa me Marians. They are simple but marked our school history when we were able to reach and play the UAAP final four after years of loosing habit, UAAP season 69, 2006, with Bono winning the MVP same year. 

But a sorry loss again against the formidable force Ateneo U.

Now, UAAP 73, Standing 8-4, with a lot of momentum, Looks like we are heading to the same direction again. Not with the loosing one, but with wins that makes a day by day added chunks of respect to our names. "Nadadagdagan ang morale ng team na to at maging ng supporters nito dahil sa larong pinapakita ng mga players nila" How? Because we work hard for it. When i went out last sunday game after an another sorry loss, Inis at pagkasuya sa sarili (when i was walking out the Araneta) I heard a mum"Galing ng Adamson, Ganda ng game... Nakaka kaba" I raise my head up and see that guy who said those words, tiga Ateneo siya with his son and daughter. Saying good words about my team. "Proud ako". Yes we lost another game. But we earned a lot of respect from other people.

All i can say is see you in the Final Four:) Lessons learned!

For Fanatics! Heads UP. Sing your hymn! Wag yung alam nyo ng natalo. Lalayasan nyo na kasi talo.

For Players. Cry hard and Weep. Come back strong! Every Drop Counts!

--------------------------
this is my life : itsabagslife.blogspot.com



Komiks sa gitna ng kalungkutan!

0







Weathering the storm

0


































Waiting

10 Sobra

0
Sobrang busy nakakalimutan ko na. Meron nga pala akong blog.
Sobrang antok mas pinipili ko pa din na hindi na lang matulog.
Sobrang hapdi na mata ko, nagseshades ako pra di halata.
Sobrang sipag. Gusto ko magtrip at tamarin (pero hindi pwede)
Sobrang pagod. Nakakatulog na ako kahit saan ako abutan.
Sobrang lakas ng sounds ko. Kunwari di ko sila naririnig.
Sobrang pakikinig sa kanila. Gusto ko na lng masuka. 
Sobrang seryoso ko minsan. Hindi na ako makatawa.
Sobrang pagtitiwala. Yun pala winawalang hiya ka na. 
Sobra daw ako. Ano pa nga ba?










BLOG KO TO! BAWAL EPAL! - itsabagslife.blogspot.com 

Ako ito. Si Jayson Bagio.

1
Tinatanong ko sarili ko
Sino ba to?
Nakalimot na tao
Sino nga ba ang tunay na ako.

Tinanong mo na ba sarili mo
Ano ginagawa mo?
Para saan ang buhay
Lahat ng tao ay mamamatay

Tinanong mo na ba sila
Sino ka ba talaga?
Limot mo na kung sino ka
Kahit ako, di na kita kilala

Bulong ko ngayon sa sarili ko
Sino na ba ako?
Isa lang ang alam ko
Ako ito. Si Jayson Bagio!

-----------------
blog ko to! Bawal epal!
Itsabagslife.blogspot.com



SEO Filipino Ako!

2
"I'm proud to be a SEO"

Saturday, June 12 was the 1st SEO Philippines grand eyeball. It is an event for SEO teky peeps to meet up, collaborate and dominate. Hahaha

"Ayaw ko na mag english. Nakakabobo eh!. Hindi naman hinihingi ng tawag ng panahon"

So ayun. EB nga siya ng mga members ng SEO PH. Marami naman kami pumunta. A chance to reunite with my Ex classmate in SEO training like Melisa, Kelsey and Teresa. Andun din yung coach ko sa offshoring si Len.

Ayaw ko na ng mahabang salitaan din dahil medyo ginagapang na ako ng katamaran pag iisaisahin ko pa lahat ng detalye. The program started by Neil "Kapeng Barako" Maranan with some cool remarks about SEO PH future plans. I didn't expect SEO in our country can be this big. So ayun na, pero bago lahat nagsimula muna syempre sa isang simpleng panalangin at bayang magiliw ang gabi ng mga SEO., Tapos si "KB", at ayun ang pinakahihintay ng lahat. KAINAN NA!. Masasarap naman ang pagkain. Syempre! Me palabok na me spaghetti pa, sadyang hahaba ang buhay mo at marami ka pang magagawa para sa kapakanan ng mga kapwa SEO mo.

So ayun na, Kainan! and then next is SEO 101 by Almer Viloria. Bring back the old school days. They did it for new SEO people's benefits. Sabi nga ni "KB" para daw hindi mag nose bleed ung mga umattend na baguhan lang sa SEO. Ayun nasiyahan naman ako kasi nagtanong ako ng mga tanong na napakadali masagot. Hahahaha..

Ayun. Overall, okay naman talaga na may mga ganitong events. Its a proof na ang social community on internet do exist! hindi kagaya sa twitter ng puro tweets lang. hahaha.

Kasama ko yung Isbx family. Si Sir Ton, Vince, Ed, Oscar, May-May at Bianca.

Inaantok ka?

0
Lalo na't malamig ang aircon sa office.
Kaka-Kaen mo lang ng lans at Xesta nah! Jejeje
Nakatitig ka lang sa facebook at kunwari nagtatrabaho. 
Nag sa sound trip ka kaso paulit ulit na lang at inaantok ka talaga
Kasi ang tahimik sa office at sadyang ginawang robot ang mga officemate mo ni bro. 
Pumasok ka ng lasing at wala sa huwisyo. 
Sawa ka na sa paulit ulit na pagtitig sa libro na dapat ay aralin mo.
Ang boss mo wala na nakita kundi ang mga kapalpakan nyo.
Kasi hindi ka natulog kagabi kaka laro sa PC mo.

ikaw anong kwentong kaantukan mo?

Bawal Epal --- Blogger ko to!  Itsabagslife.blogspot.com



Bagong Gupit

0
Sa ayos ng kanyang buhok
ako'y nahuhulog
puso ko'y mabilis
ang ginagawang pagtibok.

Tumititig. Pilit na lumalapit
ako namay iyong pansinin
Iyong ngiti ay wag
namang ipagkait

Dingin mo ang aking utal
mahagkan ka binibini
yun ang tangi kong
dinarasal.

Hawakan mo ang aking kamay
buhay ko ang tangi kong alay.
























I love you bebs. hehe
happy 8th!

Bawal epal. Blogger ko to!
----------------------------
Itsabagslife.blogspot.com

DC took my heart away. Dashboard Confessional Manila Tour.

0
"I came to sing songs with Chris., and finally I did it!"

It was Dashboard Confessional Manila Tour last friday and i just can get over it. "kakabitin" The show started with a flare with DC's dont wait and damn you can feel his nerve racking voice as he hums "oh--woah, oh--woah. Woah oh, Oh.. the sky glows, i see it shining when my eyes closed.." - Chris Carrabba is for real! I love it!.,  Everyone loved it.

Dashboard Confessional is the God Father of emo music. As far as sound and musicality that has a touchy way on engaging listener's emotion, Dashboard is way way far against other bands or groups in the same genre. Confessional music is what dashboard confessional is known for. Words that deeply captures listeners heart. Chris Carrabba told watchmojo that he describe his music is "sing your songwriter". Dashboard Confessional really brought emo music into mainstream.

The concert went full circle with songs from their old albums to the new one., dont wait, the good fight, saints and sailors, the places that have come to fear the most, carry this picture, everybody learns from disaster, belle of the boulevard, el scorcho(weezer cover), screaming infidelities, swiss army romance, as lovers go, rooftops and invitations, remember to breathe, get me right, vindicated, stolen and they made an encore for hands down that made the house jump., "this is a song about the best day in my life" Epic!

17 songs all in all and i felt like "bitin" and wanting more. Their song soothes my emotion. I love Screaming Infidelities. I love my girlfriend. I love my emo pathetic life!

END POST with carry this picture - manila tour youtube clip



itsabagslife.blogspot.com
---------------
bawal epal!

Buhay

0
Nakatayo ako at nagiisip
Patuloy ang paghinga
Sa buhay na madalang
ang swerte sa pag ihip

Naglalakad ng matulin
at tuloy ang pagbagtas
kahit na ang mga mata
ay nababalot ng dilim

Ngayon ako ay nahihimlay
sa ulap na yumayakap
at bumubulong na
patuloy ang buhay







-----------------------
original blogpost ni bags!
itsabagslife.blogspot.com

Shit Inet. (Abot Singet)

0
Lahat na yata ng paraan ginawa ko na para lang makatulog sa gabi. Hindi ko na alam. Kulang na nga lang eh hubad ako na makatulog sa gabi ng dahil lang sayo. Lahat ng punas ng dahil sa kainitan mo ginawa ko na! I even said "I'm hot! Pero ayaw mo pa din lumayo" and even sang "Don Cha Wish YoW BoyFrend is HOT like Me! Pero ayaw mu pa din mandiri".

P*TA ang INET! sbi ng isang tao habang bumababa ng MRT. Ako'y napalingon.

Sobrang inet ng pinas.

Ano nga ba ang mga ways para makontra mo ang matinding inet ng weather?

1. Mag shades! Mag sumbrero, Mag suot ka ng tela na pang traysikel driver, ung nilalagay sa braso. Tapos magpayong ka pa! Kahit na anong pasikat pa na gawin ni haring araw sayo wala yung sinabi. Punta ka opis nyo nka polo at black pants ka! Awww!! Pogi mu nun!

2. Wag ka kumaen ng matatabang pagkaen! Iwas sakit ka na sa batok. Nailigtas mo pa sa pag ka extinct ang mga baboy na pink

3 . Matulog ka ng naka medyas lang! hahaha... Medyas lang ha!

4. Kumaen ka palamig. Like Ice Cream., Iced Gulaman, Iced Tea, Iced Candy, Ice Tubig, Ice-Sin, Ice Cream Cake.. lahat ng ice kainin mo!

5. Mag chillax ka lng kung saan malamig. Like Shopping malls. Anjan moa! Mega! The Block!

6. Mag drawing ka ng ulap at ulan sa sahig. Diba! Sundance kaya! Ay Rain Dance ata yun!

Maraming paraan para umiwas sa matinding inet. Ang kelngan mo lang alam mo kung paano!


Better Choice

0
"Because the girl has a choice, we must be her better choice"


We've been together for 7 months and 5 days. We've been into heartaches and yet we made it, and weathered the storm. Back then i thought that love happens in a single click but i was wrong.

Yes our relationship came on a single touch of our fingertips. My love is like a surprise gift wrapped into a newspaper so no one can say whether she is getting a cadbury or a tsok-nat.


I remember that day that Aihl told me "find someone to love, you got so much love in your heart" and then there it was.

All those EX's and Flings that makes me jealous and go crazy.All those memories of love that she shares listed in her memory. All those "naaalala ko dati...ay wag na lang" flashbacks. All those names that keeps bugging her that makes me become a lunatic. All those places that she has been in.

...I grinned on those days or should I say, I smirk.

"Because Michel has a choice., I must be her better choice"


I worked hard to get this far...we worked hard to get this far!



Sabi ng nanay ko

0
Mother's day na. Kanino pa nga ba ang blogpost na to kundi sa aking ina. Oh well sa 23 years na pamamalagi ko sa earth memorize ko na ata ang mga linya ng aking ina.

Sabi ng nanay ko:

"Anak tanghali na., Umulan na ng pera. Wala na kayo nakuha" - madalas kasi tanghali na ako nagigising kaka butin ting ng kung ano ano sa internet.

"Walis walisan.. Puro gitna lang naman." - Walis express

"(Tinatamad) Anak bumili ka nga ng betchin.. Ay nako nay., Masama ang betchin sa kalusugan" - kita ng nanonood ng TV,. uutusan pa!;)

"Mag asawa ka kasi ng hapon! Para yumaman ka!"

"Magtrabaho ka anak. Magsumikap ka..."

"Gabi na matulog na. Patayin na tv. Sayang kuryente"

"Pindot ka ng pindot dyan" - PSP, celfone, atbp

"(mayabang)Naku anak ko wala ka makikita line of 7 na grade. Meron lang sya isa 79!" - Kausap kumare nya.

"Kelan ka ba magaasawa. Maligo ka na nga!" - Para bang tagapaligo lang yung mgiging asawa ah..

"Gayahin mo si ryan., Magaling yan at matalino" - puro dota lang naman alam ni ryan.jejeje

Madami pang linya. Kahit ano pa! Ang mahalaga alam natin kung paano makinig sa kanila. Kasi pagbabaliktarin mo man ang mundo. Sa PU** ka pa rin nya niluwa.hahahaha

Words to Buffy

0
I am hurt and i tried to run. but i choosed not to. I want to shop heartaches, shop all you can. I was crying and crying, oh god i asked you, why you gave me this throbbing. I want to take my existence in this earth but i choose not - those ropes does not offers insurance in heaven. I feel like im not existing anyway, so i just want to fade away and live a life on my secret universe. I am like a flower dying, unappreciated and crying.  Oh i cant wait for tomorrow. Please take away all my sorrow.

- This words are response to empressbuffy - "Unappreciated" entry. BLOG ON!





Boss...Please!

0
Sana pwede ko sabihin kay boss na. (REPOST)

"ano? yan lang di mo pa kayang gawin at iuutos mo pa sa akin? "
------
"ano?!! di mo alam mag-print? sayang ang laptop mo ma'am. WTF! "
------
" do my work over the weekend?!?! bahket? may overtime pay ba'to? Ano ka BALE!?"
------
"sus!! mag-eedit lang hindi mo pa kaya!!!
kaw na lang ang mag-edit para hindi sayang sa oras "
 
------
"nagtataka talaga ako kung bakit napunta ka sa puwestong yan. "
"kabit mo ba yung prinomote mo?"
-----
"pssstt...hoy! Bukas ko na lang gagawin yung pinagagawa mo ha?
Occupied na kasi sa PC game na lalaruin ko ngayon ang oras ko for
today e? tsaka...depende yon kung matatapos ko agad yung lalaruin ko ngayon,
ah basta...tanungin mo na lang ako tomorrow kung feel ko pang gawin
yon or just to keep you updated about sa games na nilalaro ko ok?"

-----
"1:40PM ..Boss lunch break pa. Tinatapos ko lang yung naruto episodes.. Saglit na lang! Wag ka epal!!!"
----- 
sa pinoy na boss: pwede ba tigilan mo ko?
sa kano na boss : cut me some slack!

-----
"di yan kasama sa job description ko, 'no "
-----
" Ang OA mo. Kinocomplicate mo ang mga simpleng problems para lang
feeling mo matalino ka!"

-----
"BOSS: Tapusin nyo ung reports. Ipapasa ko sa US eh
EMPLOYEE: Eh di isubmit mo ng maaga. Ikaw nakaisip eh!!!"
-----
"karapatan ko na umuwi na pagpatak ng 5pm. 8 hours lang ibinabayad sa
akin! karapatan ko ring mag-absent! karapatan kong masulit ang 1 hour lunch break ko!"
 
-----
"Boss, leave ako ngayon ha, wala ka nang magagawa kasi nasa
province na ako, pasalamat ka at pinaalam ko pa sa yo,
atleast concern pa rin ako at baka magmukha kang tanga sa
pag iintay na darating ako ngayon sa office. O...may time ka
pa para maibigay mo sa iba trabaho ko dahil deadline ng
pinagagawa mo sa akin ngayon di bwaaaaahhhhhhh?"
 
-----
"Boss absent ako ha. Tinatamad ako eh. At ayaw ko makita ang napaka panget mung pagmumukha!!!"
-----
"Bilangin mo. Ikaw nakaisip eh"
-----
"Sagutin mo kaya telepono. Ikaw naman hinahanap nyan eh!!!"
-----

hehehe...EPAL lng!

itsabagslife.blogspot.com 


Men are Dorks

0
 I was hopping around my network and it happened that i passed by on her blog

"Men from my time are DORKS! If the story of sleeping beauty happens today it would end up with sleeping beauty being sexually molested."

or Snow White and the 7 Maniac Dwarfs.lol

May be dahil sa past experiences nya. Siguro may nasalubong syang lasing at humihingi ng kiss mula sa kanya... Siguro pag napapadaan sya sa kanto nila eh me pumipito sa kanya.

Those DORKS are loosers my friend.

Don't loose hope on the fact that soon you'll find someone who will treat you well. He'll comfort you and treat you the best that he can. Yung susunduin ka after work Yung pupunta sa bahay mo pag masama pakiramdam mo. Someone who trully cares. You're pretty inside and out. It is not neccessary that you go on a gym just to keep your body in shape para may magkagusto sayo.

If love happens, Ma pa ano ka pa. Ma pa ano pang figure mo. Scarface ka pa. Pogi. Panget o Maganda. Love is love. No measuring sticks para sabihin mo na "Ay Gusto ko Sya!!!"

Oh well. I miss you my friend. Keep fighting. Soon you'll get what you deserve.

Listen to this song.. Emo muna tayo.hahahaha


Love hurts

0
"You can never say that it is love what you have until you get hurt"

We remained strong after all those weird stuffs that happened to us this past few weeks. I almost thought that it was the end of the line but i kept praying and keep asking for answers.

God never fails

Someone told me that hurting makes love last., Yes hurting can destroy your love for one another but it can make you grow a little bit more. Just learn to trust.

Of course listening is a good idea., Quiet times together allows you to talk about the things that tries to break into your doorsteps. Learning to admit one's mistake is the best thing.

Loving someone is easy, but keeping a relationship that lasts is hard if you're the only one who wants to keep it.

Love is for 2 people who has the same eternal feeling for each other. I'm so blessed. I love you bhe..

itsabagslife.blogspot.com

Kapitan HU U?

0
I was lucky enough at nahiram ko din sa wakas ang kapitan sino ni mika.,akda ni Bob Ong, Kahit na muntik pa ako habulin ng aso nung gabi na yun habang pauwi.hehehe

Hindi ko pa tapos yung kapitan sino..Unti unti ko lang din naman kasi binabasa.,kasi nga gusto ko namnamin.. Nakakatawa ang kapitan sino. It reflects the true colors of the society today., ung mga lecheng tambay sa kalye. Ung walang patumangang pagyayabangan ng mga mag kumare. Tsismisan na walang patid at marami pa.

Gusto ko ang usapan na ito ni Rogelio at Tessa, (nandito na ako kagabi, pahina 109 yata)

Habang nag e e stargazing sila at nageenjoy sa bubong ng simbahan na pinagsabitan ni Kapitan Sino nung unang engkwentro nito sa isang magnanakaw...

"Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko."

"Dahil maraming pwedeng magkagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo."

"Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

"Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo."


"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay."

"H-higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha."

Sadyang manamnam ang pagkakasulat ng Kapitan Sino at mamahalin mo ang kakaibang paraan ng kwento nito. Oh well, first time ko lang ata nakabasa ng filipino super hero na istorya kaya talagang nasisiyahan ako...

Itutuloy ko pa pagbabasa ko ha;)

Back Again: Gone for a while.

0
Oh well its been a while since my last blog post. Bakit nga ba ako nawala sa eksena? hahaha

I was busy? Saan? di ko alam. hahaha...

Busy yata ako kaka hanap buhay..hirap kasi magtulak ng kariton at magblog ng sabay.. well today i give up my kariton and try to write again.

Well i love my blog, this is my wall, where i can post almost everything i want to post. Where i write my emotions and people see through it.

So here i am catching up again sa mga posts na i missed. hehehe..sana makahabol..

Itsabagslife.blogspot.com

You healed me without second thoughts

0
" The essence of salvation that Jesus Christ taught us did not came from his grave or his tomb, It came from his suffering on the cross"


Yesterday i went off the office early to pick up mika on her office. I decided to drop by on a bookstore near her office to look for some updates on photography magazines. Saw i went there to burn my spare time while waiting for her time out. I stumbled on this book entitled - "Thank you, You healed me without second thoughts" and found that verse(above).

I returned to those days were i thought of those enders. I taught life is all about pain and sorrow. But here i am now. Able to stand and say thank you for teaching me to patiently wait and heal. Happy is where my life at right now.

When someone told me stories of pain, I always find a way for him or her how to get out. How did i get out. I don't know if i had a certain knack on giving good and well justified reasons for people asking for endless questions of hopelessness.

Matapobre

0
"Put*** In* Mo, Di na tayo parehas. Magkaibang level na tayo"

Natatawa ako ng marinig ke Isko kagabi ang kwento na yun. Nakatapos ng EE ang kanyang girlfriend sa isang kolehiyo sa maynila at mula sa pamilyang hindi naman ganun karangya ang pamumuhay. Hindi naman ganun kahirap si Isko. Nag tatrabaho sa Ayala bilang isang computer programmer, me laptop pero mababakas mo ang kasimplehan sa kanya.

Matapobre. Sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla na lang daw nakipag break sa kanya ang girlfriend nya. Sinabi nya sa akin na maaring may ibang nakilala ang girlfriend niya. Nung pumasa daw ito ng Board Exam para sa Electrical Engineer Licensing dun daw nag simula mag-gago lahat.. este bago.

May kinikwento na daw ang Engineer nyang GF na isang Engineer din na pinopormahan siya sa office. At sa hinali ni Isko - yun nga ang maaring naging dahilan ng kanilang break up

"Putang Ina Mo...Di na tayo parehas. Mag kaibang level na tayo. Ayaw ko na sayo"

Parang basura lang na tinapon si Isko ng matapobre nyang girlfriend. Ang masakit pa dun - Ung matapobre nyang GF pini-I pa sya. Maaring dahil sa pilit nyang paghingi ng paliwanag kung bakit kelngan nila mag break kaya siya na ganun.

Pero sabi ko nga. NAPAKA naman nun.

Nakakangiti naman na ngayon si Isko. Me GF na siya ulit. This time nursing naman., Tinutulungan niya pa lang sa board exam dahil nga nag re ready pa lang si GF nya para sa Board.

"Baka pag nakapasa yun... Iwanan ka din. Di na din kayo the same level" Pabiro kong wika ke Isko.

Simple lang ang aral. Sabi nga ni Isko

ME SALITANG KARMA!

Kaliwa o Kanan? Equations

0

In response to Noi's "She's was the one" posted on his facebook notes.

"Ang pagmamahal hindi basta basta.. wag umasa sa nakikita lang.. pagsisihan niyo rin un sa huli.." -Noi

Kaliwa ka ba o Kanan magisip? Have you ever heard of the left brain and right brain debate?

It is said that left brain hemisphere are for people who arrange sequences, events, solves a problem or decides in an orderly manner, linear or logical way, more like analytical rather than emotional or seeing the big picture the right brain hemisphere is.