Recent twitter entries...

Pages

Say Sorry, Thank You and Goodbye

Like it!

Let it go! Yun ang sinabi ko sa ka dramahan nya kagabi. Di daw siya makatulog kasi nakapanood siya ng The Rite na movie. Parang batang paslit lang na natatakot matulog dahil sa nakanood siya ng isang horror movie.

Pero ng magtanong pa ako, lumabas din ang dahilan. Sinabihan siya ng boyfriend nya "Ano ba problema mo?" katulad din ng sinabi ng ibang lalake na nagdaan sa kanya. Wala namang siyang problema, madalas lang talaga mag problema-problemahan para mapansin. Kasi nga may pag ka ganun naman talaga siya eversince.

Oh well sinabi nya din ang totoong problema, "Depress ako kasi sa nangyari samin ni ______. Nakapag sorry na kami sa text. Tapos na kami.. Pero gusto ko maibalik yung dating talks namen."

Sinabi ko sa kanya "Siraulo ka ba? Nakapag sorryhan na kayo tapos!"

Balik nya sa akin "Eh gusto ko siya makausap eh"

Ako ulet "Tapos na kayo! Tarantado ka ba? Nung araw na tinalikuran mo si _____. Pinutol mo na lahat ng ugnayan na meron kayo, wala ka ng karapatan na mag demand pa ng kung ano ano. Meaningless na lahat"

Balik nya "Di yun meaningless lang lahat"

Ako ulet "Tinapon mo na lahat. Di lang ikaw ang nasaktan, arte mo, Ibulong mo na lang sa hangin lahat ng gusto mo sabihin sa kanya... Tapos let it go, sabi nga ni papa jack, Say Sorry, Thank You and Goodbye "

Balik nya "Haay...Stress ako"

Ako ulet "Makonsensya ka sa boyfrend mo ngayon...mga pinagsasabi mo"

Balik nya "Kung wala si ______. Di ko naman malalagpasan si ______"

Ako ulet "Eh di nang gamit ka nga lang"

..............End of Conversation

Comments (1)

Haha. Ako ba this?

Post a Comment