Recent twitter entries...

Pages

Di lang ikaw (emo sa LRT)

Like it!

Early morning, may be around 645am. Hehe.. Abad Santos. Maluwang naman yung tren. Skip train kasi. Skip ba o Escape? Bahala na kayo.hehehe.. Para sa akin, Skip train.

Nakaupo ako kasi nga maluwang diba. Tayuman. Me magandang babae na sumakay. May be around 5 flat lang ang height nya. Pagtititigan mo sya maganda sya. Lalo na para sa akin. hehehe. Simple lang naman ang suot niya. "Full Black" naka converse na sneakers pa.. hehe. "Emo Punk" eka nga nila. Maputi siya kaya bagay naman. Nakapusod buhok astig tapos yung porma nya parang pang korean ung may vest. este ewan ko ba kung anung tawag dun. Tapos me nakapasak sa tenga nya. Earphone.

Doroteo Jose., Madaming sumakay sa doroteo. Umusog sya ng ilang hakbang papalapit sa akin. Naririnig ko na yung tugtog niya. Tinitingnan ko siya para siyang bumubulong. Kumakanta pala. Mejo na palakas. "This heart it beats, beats for only you. My heart is yours". Aba My Heart ng Paramore. Astig.

Pedro Gil. Medyo maluwang na. Bumaba na si miss emo. Napansin ko me nakatali na bandage sa left wrist nya. hehe. "shit emo nga"


Quirino. Naisip ko yung mga araw na ganun din ako. Tinititigan ko siya at nakita ko na ganun din ako dati. Tanging mga kanta lang ang pakiramdam ko na nakakaintindi sa nararamdaman ko. Maaring Until now me ganun pa akong natitira ung SO EMO na part.. Sa puso at isip - emo. Hehehe. Nararamdaman ko yung lungkot niya. Alam mo naman mga emo. Kita agad, Hehehe..

Gil Puyat. Babaaan na. Sakay ng bus. Naisip ko. Di lang pala ako ang malungkot sa mundo. Sasabihin ko sana sa kanya "Hindi lang ikaw ang emo" wag mo sirain buhay mo dahil lang sa pag eemo. Miserable ka na nga ppka miserable ka pa. Naisip ko. Oo galit ako sa kanya kasi lahat binigay ko pero parang wala pa din yun para sa kanya pero ano pang magagawa ko eh sa totoo namang mahal ko siya? mahal ko lahat ng tungkol sa kanya.? kahit masakit?. Ganun talaga ang buhay.

Well take this


"Hindi lang ikaw ang emo sa mundo kaya ayusin mo buhay mo. Pakamatay ka na lng kung di mo nakikita na me mga tao pa sa paligid mo na handang magmahal sayo. Don't be a looser. I mean - don't loose hope. Soon you'll get what you deserve. God has always something good in reserve. Hope and Pray."

Paseo na. Baba na ako. Isusulat ko na lng ang mga salitang ito sa blog ko. Sana mabasa mo;)

Comments (0)

Post a Comment